Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng ating bansa dahil ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan. Bilang isang kabataan gagawa ng isang advertisement upang itaguyod ang turismo sa Mindanao. Isalang-alang ang mga magaganda at abot kayang atraksiyon at seguridad ng mga turista sa Mindanao mula sa krimen. Malaki ang gampanin ng advertisement sa pagpapalakas ng turismo sa Mindanao sa pamamagitan ng social media o maging sa telebisyon, radyo , dyaryo, at magazine o broucher. Ito ay isang paraan upang maging gabay at gagamitin ng mga turista sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan. Sapat na detalye at mga larawan ng mga magagandang atraksyon sa Mindanao ang nakasaad dito.