Sabi nga ng Bibliya, “Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa
iyo”. Ngunit, hindi ka dapat tumulong sa iyong kapwa para tulungan ka rin nila
sa huli. Ang pagtutulong sa kapwa ay dapat galing sa ating mga puso. Bukod
dito, dapat wala rin tayong hinahanap na kapalit.
Ito ay dahil ang pag bigay tulong
sa kapwa ay isang bagay na lubos na nakabubuti sa ating komunidad at lipunan.
Makikita rin natin na ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay inspirasyon sa iba
na tumulong rin, lalo na sa mga nangangailangan.
Ang mga katangiang ito ay naipasa
sa atin ng ating mga ninuno. Kaya naman, kapag tayo’y tumutulong sating mga
kapwa, binibigyan rin natin ng respeto at pagpapahalaga ang ating kultura at
tradisyon.
Comments
Post a Comment