Sabi nga ng Bibliya, “Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo”. Ngunit, hindi ka dapat tumulong sa iyong kapwa para tulungan ka rin nila sa huli. Ang pagtutulong sa kapwa ay dapat galing sa ating mga puso. Bukod dito, dapat wala rin tayong hinahanap na kapalit. Ito ay dahil ang pag bigay tulong sa kapwa ay isang bagay na lubos na nakabubuti sa ating komunidad at lipunan. Makikita rin natin na ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay inspirasyon sa iba na tumulong rin, lalo na sa mga nangangailangan. Ang mga katangiang ito ay naipasa sa atin ng ating mga ninuno. Kaya naman, kapag tayo’y tumutulong sating mga kapwa, binibigyan rin natin ng respeto at pagpapahalaga ang ating kultura at tradisyon.